Biyernes, Agosto 22, 2014

ANG SINAUNANG KABIHASNAN



          Ayon sa aming guro sinasabing ang sibilisasyon at kabihasnan ay iiral kapag ang tao ay marunong ng bumasa sumulat pati na ang kakayahan at talino  sa pagtatala ng kasaysayan ng kanilang pamumuhay .Nakakamit ito dahil sa pag-unlad ng kanilang pag-katao .Ang sama-samang kakayahan  ang pinanggalingan ng sibilisasyon . 
       Binubuo ito ng organisadong lipunan , mga mataas na antas ng teknolohiya ng mga kakayahan sa  mga gawaing panlipunan , mga sining at agrukultura pati na ang relihiyon . Lahat ng ito ay umiiral sa asya dahil sa sunod-sumod at magkakaugnay na pangyayari.




          Para naman sa akin ang sinaunang kabihasnan ay tungkol sa ating mga ninuno noong unang panahon . Ang ating mga ninuno ay gumagamit o kumukuha ng kanilang mga pangangailangan sa kalikasan . Kumbaga umaasa lamang sila sa atimg kapaligiran dahil hindi pa uso ang makabagong teknolohiya at saka noon maluwag pa ang kagubatan , hindi katulad ngayon . dati sinasabi sa amin ng aming mga naging guro na ang ginagamit na panulat ng sinaunang tao ay dagta na nagmula sa mga pananim at uling na gawa sa sinunog na kahoy . Sila din ay nagsusulat gamit ang letra na alibata. 


           
         Ang mga sinaunang tao kadalasan ang ginagamit nila sa pagbuo ng apoy ay ang bato na magsisimula lamang kapag pinagkiskis ito ganun din sa kawayan . Ito ay ginagamit nila sa kanilang pagluluto sa pang araw araw . Kadalasan ang kanilang hanap buhay ay pangangaso at pagtatanim ng mga gulay . Sa tulong ng apoy nanagmula sa bato ay makakakain na sila sa araw-araw . Hindi kagaya ngayon  na ginagamitan ng makabagong teknolohiya . gumagamit tayo ngayon nito upang mapabilis sa gawain at hindi maubos ang oras .

          Ngayon para sa akin ang ibig sabihin ng kabihasnan  ay yungkol sa kultura at kaugalian ng ating mga ninuno , kung ano ang kanilang ginagawa nila noong unang panahon . Ngayon eto na ang ibig sabihin ng kabihasnan para sa akin.






Biyernes, Agosto 1, 2014

Mga uri ng " vegetation cover"sa asya

"Vegetation Cover"

Ang asya ay isang malawak na kontinente sa daig dig , aking isisiwalat ang mga uri ng lupain dito sa gabay na pagtuturo ng aming guro   

         Dati sa aking pagkakaalam ang uri ng lupa sa mundo ay iisa lamang , ngunit habang ako ay lumalaki nalaman ko na mayroon din palang uri ng lupa na matataba.Akala ko basta lupa lupa na pero meron pa palang tinatawag na vegetation cover.Ano nga ba ang ibig sabihin ng vegetation cover?  
            Ang behetasyon o vegetetion sa ingles ay isang napakapanlahatang kataga para sa mga halaman , tumutukoy ito sa panakip sa lupa na ibinibigay ng mga halaman.Isa itong katagang pangkalahatan, na hindi tumutukoy sa tiyak na uri o anyo ng buhay,kayarian,kasaklawan ng puwang,o anumang iba pang tiyak na mga katangiang pambotanika at pangheograpiya.Mas malawak ang kahulugan nito kaysa sa flora na tumutukoy lamang sa kumposisyon o mga bumubuo sa espesye.Marahil,ang pinakamalapit na kasingkahulugan ay ang "pamayanan ng mga halaman" , subalit ang behetasyon ay maaaring tumukoy,sa kadalasan,sa isang mas malawak na nasasakupan ng mga sukat na puwang na hindi natutukoy ng katagang iyon ,kabilang na ang sukat na kasinlaki ng globo.

Naririto ang ibat ibang kase ng vegetation cover sa asya

  Steppe
          
           Ang steppe ay isang malawak na lupain na nagtataglay ng damuhang mayroon lamang na ugat na mababaw (o shallow-rooted short grasses). Maliit lamang ang mga damong matatagpuan sa ganitong lupain.Ito ay dahil nasa pagitan ng 10-30 pulgada ng ulan ang tinatanggap ng step. Ang steppe ay isang vegetation na malawak at madamong kapatagan, wala ditong mga puno.Sa heograpiyang pisikal naman ang steppe ay isang ekorehiyon na matatagpuan sa mga lugar na may temperaturang katamtaman at subtropikal sa hilaga at timog ng hemispero. Tampok na katangian ng steppe ay ang malawak na madamong kapatagan at kapansin-pansin ang kawalan ng mga puno rito, maliban na lamang sa mga lugar na malapit sa mga katawang-tubig, gaya ng mga ilog at lawa. Maaaring may katuyuan ang steppe at depende sa latitud at panahon ang uri ng damong tumutubo rito. Masasabing ang steppe ay medyo tuyot upang magkaroon ng kagubatan, ngunit di-naman gaanong tuyot upang maging disyerto ito. Ang steppe ay tinutukoy namang prairie sa Hilagang Amerika.

Prairie
               
               Ang prairie ay isang malawak na pastulan na may matabang lupa matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng steppe ng Russia at maging sa Manchuria.Ang lupaing ito ay may mga damuhang mataas na malalim na ugat(o deeply-rooted tall grasses).Ang parang o prairie sa ingles ay isang anyo ng maluwang na kalatagan ng lupa kung saan matatagpuan ang damuhan; likas at hindi pa ito natatamnan, hindi tulad ng mga nasaka o sinasaka nang mga bukirin. Bagaman may mga damo, walang mga punong-kahoy sa kalawakan nito. Nakakapamuhay sa prairie ang mga ahas at iba pang mga hayop.

Boreal Forest o Taiga
         

               Ang  Boreal Forest o Taiga ay isa pang halimbawa ng lupaing matatagpuan sa Hilagang Asya. ang salitang taiga ay wikang russian na nangangahulugang Rocky mountain terrain. Ang mga kagubatang ito ay coniferous at kadalsang nasapagitan ng ng katimugan ng mga tundra at hilaga ng mga grass lna. Ang taiga sa Asya ay matatagpuan sa Siberia. Ang mga puno rito ay mahalaga sa mga mangtotroso.matatagpuan ang klimang ito sa gawing timog ng tundra.Mahaba ang taglamig dito, samantalang maikli lamang ang tag araw ito ay pinakamalaking biome sa mundo, na matatagpuan sa bandang timog ng tundra.Ito ay sagana sa mga halaman.

Tundra
                Ang tundra ay isang malawak na lupain.Pinipigilan ang paglago ng mga puno dito.Isa itong rehiyon hindi na tinutubuan ng punong kahoy.Nagmula ito sa hangganan ng kapa ng yelo at linya ng puno ng mga rehiyong artiko.Nagmula ang katawagang tundra sa salitang tundar na nangangahulugang tuyo na kapatagan.Kadalasan ang klima sa lugar na ito ay malamig kaya hindi tinutubuan ng mga puno kundi halos puro damo lng ang nakapaligid.

Rainforest o Maulang Gubat
               Ang rainforest o maulang gubat,ito ay mayrooong mataas na antas ng pag ulan kaya mayabong ang mga puno dito.alam natin na kaya may rainforest ay dahil may malaking papel na ginagampanan ito sa mundo.Sa rainforest ay may milyon milyong uri ng mga halaman at mga kulisap na hindi pa natutuklasan.Ang kagubatan ang pinakamalaking parmasya sa mundo dahil sa dami ng likas na gamot na matutuklasan dito, a makakakuha ka ng ibat ibang halamang gamot  o herbal na maaring makagamot ng ibat ibang uri ng mga karamdaman.Ang mga puno dito ay taga linis ng hangin sa ating mundo.Ang halamang tumutubo sa kagubatan ay natatakdaan sa maraming lugar dahil sa kawalan ng sikat ng araw sa antas ng lupa dahil dito ay posibleng maglakad sa loob ng kagubatan.Kung ang tabing ng dahon ay nasira o nabawasan,ang lupa ay kaagad na tinutubuan ng makakapal na mga baging.may dalawang uri ng maulang gubat o rainforest ito ay tinatawag na tropikal na maulang gubat at temperadong maulang gubat. 
                 

           

ANG AKING IMPRESYON SA DIGMAAN SA GITNANG SILANGAN



        Sa ngayon magulo ang kalagayan ng mundo . Giyera rito giyera doon.   

        Sana ng mga gulo sa mga kanyakanyang bansa ay matigil na ,  tigil na sa putukan at palitan ng bala ng baril ,  tigil na sa pagbobomba sa ibat- ibang lugar.

        Ngayon matindi ang tensyon sa mga bnsang nagaaway, ayon sa balita pwersahan nang inililikas  ng embahada ang mga pilipinong nagtatrabaho sa bnsang iyon . Madami na kasing mga  tao  ang nasawi kasama na ang mga bata.

        Bakit kaya dapat pang mangyari ito ? bakit kaya  dapat pang magpatayan ng mga tao ?

        Ginaw tayo ng Diyos upang magmahalan at di dapat mag away away . Ngunit sa isang banda hindi na natin nalalaman , kung malaman natin ay sa  balita na lamang sa telebisyon o sa radyo na  mapapnood at napapkinggan na lamang  na maay mga bansa palang nag aaway- away . Kung maaari sana matigil na  ang mga gulong ito  na ang dahilan lamang ay pag -aaway sa lupa dahil gusto nang kabilang panig na mapasakanila ang likas na yaman. 

        Siguro isa lang  ang dahilan  ng lahat ng ito ,  sa aking palgay ito ay dahil sa kasakiman . Gusto ng bansang iyon na makamkam ang mga likas na yaman ng isa pang bansa .  Na kapag yumaman ang bansang iyon , iyo ay lalong magiging makapang yarihan . Ganito siguro ang nangyari sa mga bansang nag aaway away sa gitnang silangan .

        Ang likas na yaman na pinag ugatan ng lahat ng gulong ito na nadamay ang mga tao lalo na ang mga pilipino na nagtatrabaho lamang upang may maipakain sa pamilya na nadamay pa . Na para sa akin at lalo na sa iba na kung sana itigil na ang gulo sa ibang bansa para wala ng madamay na mga mamamayan lalo na ang mga bata na wala pang kamuwang muwang . sigurado na nais ng ating Panginoon na tayong lahat na kanyang ginawa ay mag mahalan at huwag mag sakitan .